^

PSN Showbiz

Kris pinakawalan na ng ABS-CBN, hawak na ng manager nina Marian at Maine!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Confirmed na si Mr. Tony Tuviera na ang manager ni Kris Aquino. Ayon sa isang super reliable source, si Mr. T na ng APT Entertainment ang magpapatakbo ng career ni Kris kaya hindi raw malayong maging Kapuso na ito.

May mga naka-line up na raw na project si Kris na ang APT Entertainment ni Mr. Tuviera ang nag-aayos.

Alam na raw ng mga taga-ABS-CBN ang nasabing career move ni Kris dahil aborted nga ang naging negotiations para sa renewal nito ng contract sa Kapamilya Network. Wala raw planong maghabol ang ABS-CBN at nang magpaalam si Kris ay binigyan agad ng blessings ng mga bossing ng Dos.

Ang gusto raw kasi ni Kris ay agad magkaroon ng show eh wala raw bakanteng slot sa morning kaya hindi na nila ito pinigilan.

‘Pag nagkataon, makakasama na ni Kris sa kuwadra ni Mr. Tu­viera sina Marian Rivera and Maine Mendoza.

May chance na kayang mapanood si Kris sa Eat Bulaga?

Pero wala pang official statement na ibinibigay ang kampo nina Kris and Mr. Tuviera tungkol dito.

Pagdating sa endorsements ay kailangan na rin daw dumaan kay Mr. T kahit na nga ang dating nakikipag-negotiate for Kris ay si Tito Boy Abunda.

Kaya lang daw hindi nag-uumpisang magtrabaho ang aktres/TV host ay dahil sa pinaniniwalaan nitong ghost month ang Agosto na pamahiin ng mga Chinese.

Wait, ano kayang masasabi rito ni AiAi delas Alas? Magdesisyon kaya siyang balikan ang ABS-CBN para maiwasan ang dating ‘friendship’ o ito na ang simula ng balikan nila bilang mag-bestfriends?

Abangan…

Bagong BF ni Angel galing sa angkan ng mga pulitiko!

Anak umano ni dating Sec. Ace Barbers ang bagong manliligaw ni Angel Locsin. Oh boyfriend nga ba?

May lumutang na silang picture na magkasama. Pero mabilis nag-react si Angel. Pinakikiusapan niyang i-delete ang nasabing picture dahil nakakahiya daw. Padala ng isang fan ang nasabing picture. “Oh my gosh. Nakakahiya ho ito. Pls stop this,” mensahe ni Angel.

So ito na nga ba ang sinasabing kapalit ni Luis Manzano sa kanyang puso?

Nagkaroon ng inkling ang marami na baka nga may bago na ang aktres nang burahin niya sa IG account ang mga picture nila ni Luis.

Pero bakit nga kaya ang bilis ng reaction ni Angel na nahihiya siya sa kasamang lalaki sa picture kung pareho naman silang single?

PBB Teens nakakatulong sa bagets

In all fairness, may dahilan naman kung bakit tumagal ng sampung taon ang Pinoy Big Brother. Sa higit isang dekada ay ipinamalas dito ang kuwento ng iba’t ibang tao na kumakatawan at sumasalamin sa iba’t ibang uri ng Pinoy. Kinapupulutan din ito ng aral lalo na particular ng teen edition kung saan marami talagang dapat matutunan ang mga kabataan sa panahon ngayon.

Kaya nakakatuwa na maraming kabataan ang tumatangkilik dito. Ang kasalukuyang season ay gabi-gabing trending at double digit pala ang ratings sa kabila ng late primetime slot nito.

Kaya dapat mas maraming kabataan at maging magulang ang manood ng PBB. Sa panahon ngayon na kung anu-anong nakikita nila sa social media, mas mainam na manood sila ng palabas na makaka-relate.

Halimbawa na lang noong nakaraang linggo, maganda ang ipinakitang selflessness nina Maymay at Marco para lang mabigyan ng pagkakataon si Heaven na makita ang ina. Bago kasi pumasok ng bahay ay hindi na nakita o nayakap ni Heaven ang ina dahil nasa ospital ito dala ng sakit niyang cancer. Kaya naman noong nagkita na sila ay sobrang nakakaantig ang tagpo dahil kitang-kita na nami-miss talaga ng mag-ina ang isa’t isa.

Litaw na litaw din ang magagandang asal sa kanilang pang-araw araw na ginagawa tulad na lang ng pagdadasal bago kumain at pagtutulungan sa gawaing bahay na nalilimutan na ng karamihan dahil sa social media.

Pagdating naman sa magulang, dapat din nilang maunawaan ang isyu ng kabataan ngayon. Nasa magulang pa rin ang responsibilidad na palakihing maayos ang mga anak nila.

At patunay ang PBB na maaaring marating ng maayos na pagpapalaki ng bata.

Basta lumaki ito ng may takot sa Diyos at may pagpapahalaga sa buhay, magagawa nitong lampasan ang mga hamon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with