^

Balita Ngayon

Vic Sotto planong pakasalan si Pauleen, ayaw nang matulog mag-isa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inamin ng komedyanteng si Vic Sotto na minsan ay dumampi sa kanyang isipan na tumanda na lamang mag-isa.

 Pero nagbago ito nang dumating sa buhay niya ang ngayo’y girlfriend at co-host sa Eat Bulaga na si Pauleen Luna.

“There was a phase in my life [that] I was thinking na ayoko na mag-asawa, I’ll be single for the rest of my life,” sabi ni Vic na kilala rin sa tawag na Bossng.

“Inisip ko rin malaki na mga anak ko, may mga pamilya na sila, eh sino maiiwan sakin?” dagdag niya.

Sa susunod na taon ay senior citizen na si Bossing pero hindi ito naging balakid na muling buksan ang pinto sa pagpapakasal.

Aniya kailangan niya ng makakasa sa kanyang pagtanda.

“Why not?”  sabi ni Bossing sa panayam niya kay Kris Aquino sa “Kris TV” ng ABS-CBN.

“Nakakasawa rin naman yung matulog mag-isa,” seryosong sagot niya. “But of course it is in God's time.”

Sinabi pa niyang pinag-uusapan na rin naman nila ito ni Pauleen.

“It is not a good relationship if you're not going to talk about that (marriage),” sabi ni Vic na makakasama sina Kris at child stars na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby sa Metro Manila Film Festival entry nilang “My Little Bossings.”

Snabi ng dating asawa ni Vic na si Dina Bonnevie na sana’y sasamahan ni Pauleen ang komedyante sa pagtanda nito.

“I would opt for somebody older kasi masyadong malaki ang age gap. Baka naman pagdating ng time na matanda na si Vic, magsawa siya. Huwag naman sana,” sabi ni Dina sa ABS-CBN’s entertainment show “The Buzz” noong Marso.

vuukle comment

ANIYA

DINA BONNEVIE

EAT BULAGA

KRIS AQUINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY LITTLE BOSSINGS

PAULEEN

PAULEEN LUNA

RYZZA MAE DIZON

VIC SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with