^

Probinsiya

Fetus sa ecobag nadiskubre sa tabi ng kanal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang fetus ang natagpuang itinapon malapit sa kanal sa Antipolo City, madaling araw ng Sabado.

Sa ulat ng Antipolo City Police Station, ang nadiskubreng patay na fetus ay tinatayang nasa 6-7 buwan na nakakabit pa ang umbilical cord na nakasilid sa isang eco bag.

Dakong ala-1:00 ng madaling araw nang madiskubre ng concerned citizen ang fetus sa Purok 1, Zone 8, barangay Cupang, Antipolo City.

Iniimbestigahan ng Antipolo CPS-Women and Children Protection Desk kung saan nagmula ang fetus na pinaniniwalaang itinapon matapos isagawa ang abortion. 

Inilibing na rin kaagad sa Antipolo Public Cemetery, sa Sto. Niño Street, Brgy. San Jose, Antipolo City.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with