2 ‘terorista’ todas sa Army checkpoint!

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group na sakay ng motorsiklo ang napatay ng mga sundalo na nagtangkang pigilan sila para lang sa isang routine inspection na nauwi sa engkuwentro isang military checkpoint sa Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong Biyernes ng hapon.
Sa ulat nitong Sabado ng mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng 601st Infantry Brigade ng Philippine Army, agad na namatay sa mga tama ng bala sina Muha Gamba at Nasser Akmad, mga residente ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Ayon sa mga imbestigador ng Mamasapano Municipal Police Station, mapayapang pipigilan sana ng mga tropa ng 33rd Infantry Battalion ang mga motoristang sina Gamba at Akmad upang masiyasat kung sila ay may dalang mga armas at droga ngunit sa halip na tumigil sa gilid ng highway sa Barangay Tuka at naglabas ng mga mga baril at nagpaputok kaya sila agad gumanti ng putok ang mga sundalong sisita sana sa kanila.
May dala ring isang nakabalot na M1 Garand rifle ang dalawa na ayon sa mga local officials ay posibleng ihahatid sana nila sa isang liblib na lugar sa Mamasapano.
Nasamsam ng mga pulis at barangay officials na nag-responde sa insidente ang naturang M1 Garand rifle, isang .45 caliber pistol at isang granada sa mga nasawing sina Gamba at Akmad.
- Latest
















