^

Probinsiya

Lolo timbog sa ecstasy at shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lolo timbog sa ecstasy at shabu
Nakaposas ang isang 64-anyos na lalaki na isa umanong bigtime drug pusher nang maaresto sa isang buy-bust operation sa harapan ng isang mall sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite.Nakumpiska sa kanya ang milyong halaga ng mga shabu at ecstacy.
PDEA Region

MANILA, Philippines — Nalambat ng pulisya isang 64-anyos na lolo na tinaguriang high-value target ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Molino 4, Bacoor City Cavite.

Kinilala ang naares­tong suspek na si alyas na “Samson”, 64-anyos, tubong Lanao Del Sur.

Sa ulat ng PDEA-Calabarzon,dakong alas-8:10 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation sa harap ng isang mall sa Barangay Molino 4.

Nasamsam ng mga otoridad ang humigit kumulang na 1,157 piraso ng ecstasy at humigit kumulang na 150 gramo ng shabu at buy-bust money na sa kabuuan ay aabot sa mahigit kumulang na P2 milyong piso ang halaga ng mga narekober sa suspek.

CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with