2 school district supervisor, umalma sa pekeng pirma
CAVITE, Philippines — Umalma ang dalawang public school district supervisors makaraang mapatunayang mali at peke ang kanilang mga pirma kaugnay ng mga procurement documents na nauugnay sa mga transaksyon ng Commission of Audit-Notice of Disallowance (COA-ND) noong termino ni ex-Silang Mayor Kevin Anarna at kapatid nitong si BIDs chief Nathaniel Anarna Jr.
Isa sa dalawang superbisor na kinilala lamang sa alyas na “Elsa” at isa pa ‘di nagpakilala ay pareho nilang iginigiit na hindi nila pinirmahan ang mga dokumento.
Naungkat ang usapin matapos na maglabas ang COA ng tatlong Notice of Disallowance noong Pebrero 26, 2025.
Inatasan ang mga superbisor na ibalik ang P1,038,824.96 at P1,005,907.95 para sa mga gastusin na nakita ng COA na labag sa Republic Act 9184 o ang Procurement Law.
Ang mga superbisor ay nagsumite na ng mga sinumpaang affidavit na nagdedeklara na ang mga pirma na lumilitaw sa hindi bababa sa 34 na dokumento — kabilang ang Mga Kahilingan sa Pagbili, Mga Order sa Pagbili, Mga Kahilingan sa Obligasyon, Mga Sertipiko ng Pagtanggap, at Mga Ulat sa Pagtanggap at Inspeksyon — ay hindi nila pirma.
Isa sa dalawang sinumpaang salaysay na nakuha ng PSN, sinabi ng superbisor na wala siyang anumang partisipasyon sa bidding, awarding o pagbabayad ng subject na transaksyon at ang COA-ND. Ang mga transaksyon aniya ay ginawa noong administrasyon ni dating Mayor Anarna, kasama ang kapatid nitong si Nathaniel na noon ay municipal administrator at Bids and Awards Committee chairperson.
- Latest



















