4 todas sa engkuwentro sa Bukidnon

MANILA, Philippines — Apat na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa bulubunduking bahagi ng hangganan ng Malaybalay City at Impasug-ong, Bukidnon, ayon sa ulat nitong Sabado.
Sa report ni Army’s 403rd Infantry Brigade (IB) Commander Brig. Gen. Sigfried Tubalado, ang engkuwentro ay matapos namang iulat ng mga sibilyan ang presensiya ng mga armadong rebelde sa Saldab Complex sa Brgy. Dumalaguing, Impasug-ong at Malaybalay City ng lalawigan.
Agad namang nagresponde ang pinagsanib na element ng 3rd Scout Ranger Battalion, 1st Special Forces Battalion at 88th Infantry Battalion ng Army’s 4th Infantry Division at nakasagupa ang grupo ng mga armadong rebelde nitong Miyerkules.
Sa nasabing pagpapanagpo, agad nagkaroon ng mainitang palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng apat na lalaking rebelde at isang amasona.
Nabatid na ang anti-NPA operation ng 403rd Infantry Brigade at 4th ID’s 4th Division Reconnaissance Battalion ay nagbunsod sa ulat na kanilang tinanggap nitong Martes na pangha-harass at pangingikil ng mga rebelde sa nasabing komunidad.
- Latest



















