^

Probinsiya

Kotse bumangga, tumaob: Driver dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay ang isang 31-taong gulang na lalaki na matapos na bumangga sa abandonadong bahay at tumaob ang minamanehong kotse sa Barangay Sta. Catalinar Sur sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Ryan”, construction worker at residente sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng biktimang ang kotse nang nawalan ito ng kontrol at dumiretso sa isang bakanteng lote hanggang sumalpok sa abandonadong bahay saka bumaligtad.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Isa sa tinitingnan na sanhi ng aksidente ay ang pagsabog ng gulong dahil narinig umano ito ng mga residente.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, nakita nila sa loob ng sasakyan ng biktima ang isang 9mm sub-machine gun, magazine at mga bala.

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with