^

Probinsiya

Gadget store nilooban: Staff tinodas!

Cristina Go Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong malalalim na saksak ang tinamo ng isang babaeng staff ng gadget shop makaraang pasukin ng mga magnanakaw at tinangay ang hindi pa mabilang na iba’t ibang klase ng gadgets kamakalawa sa Brgy. Mamatid, Cabuyao City, Laguna.

Sa ulat ng pulisya, umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si alyas “Jona”, 27-anyos, staff ng SSMP Gadget Shop, residente ng Brgy. Mamatid, Cabuyao, Laguna, na napasok ng magnanakaw ang pinagtatrabahuan.

Sa pagisisiyasat ng pulisya, nakatawag pa umano ang biktima sa manager ng shop at inireport na pinasok ang sila ng armadong lalaki.

Ilang sandali pa ay hindi na umano nito makontak ang biktima kung kaya nagdiretso ang manager sa barangay upang ireport ang pangyayari.

Nang kanilang puntahan ang shop, pagpasok umano nila sa loob ay agad bumungad ang mga kalat-kalat na gamit at bumulaga sa kanila ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa sahig.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, tatlong tama ng saksak ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito. Posible umanong pinatay nang mga kawatan ang biktima nang makitang kausap nito sa cellphone ang kanilang manager.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with