2 burol ng Chocolate Hills nasunog sa grassfire
MANILA, Philippines — Nilamon ng apoy ang dalawang burol ng pamosong Chocolate Hills ng Barangay Buenos Aires sa Carmen, Bohol nitong Martes ng gabi.
Sa ulat, sumiklab ang sunog bandang alas-7 kamakalawa ng gabi dahil sa mga tuyong damo na agad gumapang ang apoy na nagresulta ng pagkakasira ng nasabing atraksyon na dinarayo ng mga turista.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naapula ang sunog matapos ang tatlong oras na pagkalat ng apoy.
Samantala, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mas maraming bahagi ng Pilipinas ang posibleng makaranas ng matinding init dahil nakikita nito ang heat index sa pagitan ng 45°C hanggang 54.8°C ngayong Mayo.
- Latest