‘Tatay’ na tulak, huli sa P680K shabu

Arestado ang suspek na kilala sa tawag na “Tatay”, 54-anyos,  residente ng  Brgy . Santiago Gen. Trias City, Cavite at nasa listahan ng mga High Value Individual (HVI) ng pulisya.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang big-time drug pusher sa inilatag na buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Pasong Camachille 2, Gen. Trias City.

Arestado ang suspek na kilala sa tawag na “Tatay”, 54-anyos,  residente ng  Brgy . Santiago Gen. Trias City, Cavite at nasa listahan ng mga High Value Individual (HVI) ng pulisya.

Sa ulat ng Gen, Trias City Police, ala-1 ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite-PPO at Gen. Trias Police laban sa suspek.

Sakay ng kaniyang Mitsubishi Pajero na may plakang YFG 199, dumating ang suspek sa pinagkasunduang lugar at nagkita sila ng poseur buyer.

Nang magkaabutan ng droga at pera, dito na dinakma ng mga pulis ang suspek.

Narekober sa operasyon ang isang plastic sachet na may 100 gramong shabu na nagkakahalaga ng P680,000 at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Show comments