BIDA Fun Run, dinagsa sa Lucena

LUCENA CITY, Philippines — Pinangunahan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang libu-libong runners at advocate na dumagsa sa isinagawang BIDA Fun Run sa lungsod na ito, kahapon.

Ayon kay Secretary Abalos, kritikal na bahagi ito na adbokasiya ng BIDA program na naglalayong mapataas ang kamalayan ng mamamayan tungkol sa panganib ng iligal na droga at mahikayat na tuldukan ang paglaganap nito sa komunidad.

Kasunod nito ay pinangunahan ni Aba­los ang paglulunsad ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program sa Barangay Iba­bang Iyam na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mahigit 5,000 na residente.

Ipinaliwanag ni Abalos ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng komunidad sa kapulisan upang masugpo ang iligal na droga na walang nagbubuwis ng buhay.

Show comments