^

Probinsiya

Balikbayan nadale ng ‘Salisi’ sa resto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang balikbayan ang nabiktima ng Salisi Gang matapos matangay ang bag nito sa isang restaurant sa Brgy. Poblacion 1, Sto. Tomas City, Batangas kamakalawa.

Sa report ng CALABARZON Police, ang biktimang kinilalang si Elizabeth Reyes ay dumulog sa himpilan ng Sto. Tomas Municipal Police Station nitong Biyernes ng tanggali  upang ireport ang insidente.

Sa salaysay ni Reyes, bandang alas-12 ng tanghali nang siya at kaniyang mga kaibigan ay magtungo sa Rose and Grace Restaurant sa Brgy. Poblacion 1, Sto. Tomas City upang kumain ng pananghalian.

Habang nasa loob ng restaurant, inokupa ng grupo ang nakareserbang lamesa sa kanila kung saan habang kumakain ay inihabilin ng biktima ang kaniyang bag sa kaibigan na pakitingnan dahil pupunta siya sa comfort room.

Gayunman, pagbalik ng biktima sa kaniyang upuan ay laking gulat nito dahilan nawawala na ang kaniyang bag. Kabilang sa lamang ng bag ay dalawang units ng mamahaling cellphone, wallet na naglalaman ng  P22,000 cash; diyamanteng singsing, isang pouch na may lamang hikaw, mga identification cards kabilang ang inisyu ng US government, isang Balenciaga sunglass na nagkakahalaga ng P370,000 at iba pa.

Nang suriin ng mga awtoridad ang CCTV sa loob at labas ng restaurant ay nakita ang dalawang lalaking lulan ng kulay puting Toyota Vios na siyang kumuha ng bag ng biktima. Gayunman, hindi nakuha ang plaka ng sasakyan ng mga suspect na tumakas patungo sa katimugang direksiyon ng lungsod.

vuukle comment

CCTV

US

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with