^

Probinsiya

2 nakasagupa ng HPG, mga armas at pampasabog nasamsam

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 nakasagupa ng HPG, mga armas at pampasabog nasamsam
Narekober ng mga pulis ang dalawang assault rifles at mga pampasabog sa loob ng sasakyan na iniwan ng dalawang armadong lalaki na nakasagupa ng mga kasapi ng Highway Patrol Group sa Maguindanao del Norte nitong Sabado.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang assault rifles at mga pampasabog ang nasamsam ng isang highway patrol team matapos nilang makasagupa ang dalawang armadong lalaki na kanilang naharang dahil sa peke ang plaka ng kanilang sasakyan nitong Sabado sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinumpirma ng hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station na si Lt. Col. Esmael Madin na siyang nangu­nguna ngayon sa pag-imbestiga sa naturang insidente na naganap sa Barangay Kurintem, upang makilala ang mga salarin na tumakas at masampahan ng kaso. 

Nasuportahan pa ng mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat MPS ang kapwa mga pulis na miyembro ng Regional Highway Patrol Group sa kanilang palitan ng mga putok sa mga armadong kanilang naharang sa highway dahil sa kadudadudang plaka na WOW 128 ng kanilang sasakyang puti na multicab na may kargang mga baril. 

Pinamumunuan ni Master Sgt. Nasrollah Gani ang mga taga RHPU-BAR na nakasagupa ng mga ‘di kilalang ­lalaking armado.

Sa ulat ng ilang residente ng Barangay Kurintem, may mga tama ng bala ang mga suspect kaya napilitang iwan ang kanilang sasakyan bitbit ang kanilang mga baril sa pagtakas. 

Ayon kay  Madin, natagpuan sa nasabing sasakyan ang isang M14 at isang M16 rifle, isang M79 grenade launcher, mga grenade projectiles at mga bala ng iba’t ibang kalibre ng baril.

vuukle comment

GUN

HPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with