^

Probinsiya

Jeep hulog sa bangin: 2 katutubo dedo, 8 sugatan

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Jeep hulog sa bangin: 2 katutubo dedo, 8 sugatan
Stock image of a hand.
Image by soumen82hazra from Pixabay

Minamaneho ng American pastor

INFANTA, Quezon, Philippines — Dalawang katutubong Dumagat ang namatay habang walong iba pa ang nasugatan kabilang ang tatlong menor-de-edad at Canadian pastor makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang owner type jeep na minamaneho ng isang American pastor sa Marilague Highway, sakop ng Brgy. Magsaysay sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang dalawang nasawi na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na kinilalang sina Adelina America at Adrian Mercado ay kapwa idineklarang dead-on-arrival (DOA) sa Claro M. Recto District Hospital.

Ginagamot naman sa nasabing ospital dahil sa tinamong mga sugat sa katawan si Pastor Loren Paul Miller, 45-anyos, isang American national at ang iba pang miyembro ng tribong Indigenous Person of Dumagat na sina Pablo Dela Cruz America, 35, ng Brgy. Minahan Norte, Infanta; Analiza Mercado Adornado, Nelvin Paul Maldaner, 48, isang Canadian pastor, at Linda Capatasan, 39.

Kabilang pa sa mga pasaherong sugatan ang mga menor-de-edad na sina Justine Pujeda America, 3-anyos; Jimuel America Cruz, 9 anyos, at Grace Capatasan, 13-anyos,

Ayon kay Infanta Police Station chief, Police Major Fernando Credo, nangyari ang aksidente dakong alas-3:30 ng hapon habang sakay ang mga biktima ng navy blue na owner type jeep (DNY-659) na minamaneho ni Pastor Loren. 

Galing umano sa Sitio Kakawayan, Brgy. Magsaysay ang mga biktima at patungo sa Barangay San Marcelino sa bayan ng General Nakar para dumalo sa isang okasyon nang mawalan ng preno ang sasakyan hanggang sa tuluyang bumulusok sa bangin.

vuukle comment

CANADIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with