^

Probinsiya

Mister kinatay ng 2 bayaw

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mister kinatay ng 2 bayaw
Nagtamo ng mga saksak sa ibat-ibang parte ng katawan na sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang si Rogelio Perigreno, 34, obrero, samantalang tinutugis na ng mga otoridad ang magkapatid na suspek na sina Noriel at Wilson Pira.

TIAONG, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang mister matapos na pagtulungang gulpihin at pagsasaksakin ng kanyang dalawang bayaw kamakalawa ng hapon sa Sitio Silangan, Barangay Tamisian sa bayang ito.

Nagtamo ng mga saksak sa ibat-ibang parte ng katawan na sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang si Rogelio Perigreno, 34, obrero, samantalang tinutugis na ng mga otoridad ang magkapatid na suspek na sina Noriel at Wilson Pira.

Base sa imbestigas­yon, bandang alas-5:00 ng hapon ay nakipag-inuman sa kanilang kapitbahay ang biktima at bayaw na si Noriel.

Nang malasing ang biktima ay tumanggi na siya sa inaalok na tagay pa ng bayaw na si Noriel na ikinagalit ng huli na humantong sa panununtok nito.

Dahil sa nalikhang ingay ay nagising mula sa pagkakatulog si Wilson at agad na bumangon at kumuha ng patalim saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ang bayaw saka mabilis na tumakas kasama ang kapatid.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with