^

Probinsiya

Cooker machine sumabog: Empleyado utas!

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang empleyado ng isang chicken processing center matapos na aksidenteng masabugan ng cooker machine na kanyang inaayos sa loob ng pinagtatrabahuhan nito sa Tiaong, Que­zon nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Renier Braza Caraan, nasa hustong gulang, nagtamo ng matitinding pagkalapnos sa katawan bunga ng sumabog na cooker.

Sa ulat ng CALABARZON Police, naganap ang insidente sa loob ng Rendtek Inc. sa Johannas Chicken Processing Cen­ter Inc. sa Brgy. Lagalag ng bayang ito bandang alas-4:20 ng hapon.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula kay Mara Rondera Jusay ng nasabing Chicken Processing Center na iniulat ang insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon, kinukumpuni ng biktima ang nasabing cooker machine nang bigla itong sumabog.

Nagtamo ang biktima ng grabeng pagkasunog at pagkalapnos ng kaniyang balat na bagama’t nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with