^

Probinsiya

Pagbabawal sa mediamen na magbukas ng blotter, binatikos

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Pagbabawal sa mediamen na magbukas ng blotter, binatikos
Members of the Philippines National Police (PNP) wait for instructions on security measures inside the Batasang Pambansa Complex on July 20, 2023, as part of the preparations for the upcoming State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Jesse Bustos

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Binatikos ng mga mamamahayag sa Bicol at Albay ang ipinatutupad ng Police Regional Office 5 na pagbabawal o paglimita sa mediamen na humawak at magbukas ng police blotter at gawin na lamang “alyases” ang mga “pangalan ng biktima at suspek” sa kanilang mga news release.

Ayon sa batikang brodkaster na si Darlan Barcelon ng Philippine Examineer at presidente mismo ng PRO5 Press Corps, dahil sa ipinatutupad na “data privacy act” ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ay sinisikil naman nito ang libreng pamamahayag ng media lalo na sa karapatan o “freedom of information”.

Ayon kay Barcelon, ang “access to information” ay isang constitutional rights lalo na kung ito ay may kaakibat na interes sa publiko. Ang pagbabawal din umano sa mga mamamahayag na maka-access sa police blotter sa mga police stations ay pagsikil sa karapatan hindi lang bilang media kundi bilang isang ordinaryong mamamayan dahil ang blotter ay isang pampublikong dokumento.

Ito ay ang dahilan kung bakit pinawalang-sala ng prosekusyon ang isinampang kaso noong Agosto 2 ng Iriga City Police Station laban kay Rizal “Joeriz” Pajares, reporter ng Radyo Natin-Iriga dahil sa pagbuklat nito ng blotter. Dinepensahan at nagboluntaryo mismong maging kanyang abogado si University of Nueva Caceres law professor at retired-Judge Herman Cledera at Atty. Aries Macaraeg. Naging dahilan ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa KBP-Camarines Sur at National Union Journalist of the Philippines (NUJP).

Ilang reporters ang naghayag ng kanilang sentimiyento na tila inilalayo lamang ng PRO5 at PNP ang loob sa media na maitutu­ting na kanilang matagal na partner sa mga programa sa peace and order. Masyado rin umanong binibeybi ang mga suspek sa mga krimen at mga lumalabag sa batas.

Nagdududa naman ang ilan na ginagamit lang ng PNP ang naturang batas upang itago ang kahinaan ng ilang PNP Units sa pag­resolba ng kremin sa kanilang mga lugar at itago ang pagkaka­sangkot naman ng ilan nilang kabaro sa kremin at pang-aabuso.

Ayon naman kay Jordan Alfajaro, ng Home Radio DWIZ-Legazpi City, sa pagtangging ila­bas ng PNP ang mga pangalan ng sangkot lalo na suspek hindi na kum­pleto ang pagawa ng basic na balita na binubuo ng 5 Ws at 1 H (who, what, where, when, why at how). Dapat aniyang ikonsidera ng PNP ang karapatan ng media.

vuukle comment

MEDIA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with