^

Probinsiya

10 bayan sa Isabela, apektado ng ASF

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Umabot na sa 10 bayan sa lalawigang ito ang apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa ulat ng Provincial Veterinarian Office kamakalawa.

Ang mga bayan na mahigpit na minomonitor sa kasalukuyan dahil sa kaso ng ASF ay ang mga bayan ng Aurora, Angadanan, Alicia, Burgos, Roxas, Luna, Quirino, Mallig, Echague at bayan ng Gamu.

Ayon kay Provincial Veterinarian officer Belina Barbosa, umabot sa 194 na alagang baboy ang agad na isinailalim sa culling o ibinaon sa lupa sa bayan pa lamang ng Gamu.

Napag-alaman na mabilis ang pagkalat ng kaso ng ASF sa ibang bayan ng Isabela dahil umano sa nakasanayan na pagpapa-aruga o pagkatay at pagtitinda sa mga karne ng baboy sa mga bahay na hindi dumadaan sa mga slaughter house para masuri.

Unang naitala ang muling pagsulpot ng ASF sa lalawigan nitong buwan lamang ng Agos­to kung saan mabilis na kumalat sa 10 mga bayan nitong katapusan ng September.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkatay ng baboy sa kanilang tahanan para hindi na dumami pa ang mga maapektuhan.

Ipinagbabawal din ng LGUs sa lalawigang ito ang pagpasok ng anumang karne ngbaboy o frozen foods sa kanilang nasasakupan, para hindi mahawa ang kanilang mga alagang baboy. 

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with