Jeepney driver tiklo sa P3.4 milyong shabu

MANILA, Philippines — Isang jeepney driver ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bulacan Provincial  Police Office, at Pandi Municipal Police, matapos makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa Pandi, Bulacan, kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, ang suspek ay nakilalang si Rodel Anggoto Dumbi, 35, jeepney driver, na itinuturing na isang High Value Target (HVT).

Base sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa Brgy. Poblacion sa Pandi matapos makatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Kaagad namang inaresto ang suspek nang bentahan ng shabu ang isang ahente ng PDEA na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa operasyon ang may 500 gramo ng shabu na may estimated value na P3.4 milyon at buy-bust money.

Show comments