24 operator ng e-sabong, huli sa raid

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawampu’t apat na indibiduwal ang inaresto ng  mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa operasyon ng  e-sabong o online sabong.

Ayon kay PNP-CIDG Director Police Major General Romeo Caramat Jr., halos isang buwan nilang isinailalim sa monitoring ang compound sa bayan ng Laoac ng nasabing lalawigan.

Base sa report, sinalakay ng mga awtoridad nitong Lunes ang naturang lugar at nahuli sa akto ang mga suspek na e-sabong operators.

Nasa 200 manok panabong naman ang nakum­piska. Nakuha rin sa lugar ang mga electronic equipment na ginagamit ng mga suspek sa kanilang umano’y 24-oras na operasyon ng e-sabong.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449, o Anti Cockfighting Law in relation 10175 Anti Cybercrime Law ang mga suspek.

Show comments