Kagawad at anak todas sa ambush!

Agad na namatay dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan si Anwar Salem, Sr., isang barangay kagawad sa Arakan, Matalam, habang ang anak niyang si Anwar, Jr. ay pumanaw naman sa pagamutan kung saan siya isinugod upang malapatan ng lunas.
STAR/File

COTABATO CITY , Philippines — Kapwa patay ang ama na barangay councilor at anak nitong lalaki makaraan silang tambangan at pagbabarilin bandang takipsilim noong Linggo sa isang liblib na lugar ng Matalam, sa probinsya ng Cotabato.

Agad na namatay dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan si Anwar Salem, Sr., isang barangay kagawad sa Arakan, Matalam, habang ang anak niyang si Anwar, Jr. ay pumanaw naman sa pagamutan kung saan siya isinugod upang malapatan ng lunas.

Magkaangkas ang dalawa sa isang motorsiklo patungo sa poblacion ng Matalam nang tambangan ng mga armadong lalaking nakapuwesto sa gilid ng kalye.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Matalam Municipal Police Station kung sino ang mga nag-ambush sa mag-amang Salem upang sampahan ng kaukulang kaso.

Wala pang katiyakan kung ang planadong pagpatay sa mag-ama ay kaugnay ng napipintong barangay elections ngayong taon o dahil sa posibleng pagkakasangkot ng mga biktima sa “rido” o away ng mga angkan.

Show comments