^

Probinsiya

Hotel employee tepok sa pananambang

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Patay sa ambush ang 25-anyos na hotel employee matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang salarin habang sakay ng kaniyang kotse at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Lumampong Balagbag, bayan ng Indang, dito kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Angelo Paragas Manlalo, 25-anyos, binata, hotel employee at residente ng 151 Brgy. Lumampong Balagbag Indang, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Major Edward B Cantano, hepe ng pulis­ya sa bayang ito, minamaneho ng biktima ang kaniyang Toyota Rush silver na may plakang DAQ 8051 dakong alas-2:50 ng hapon at bumabagtas sa Magabi Road sa Brgy. Lumampong Balagbag nang bigla siyang pagbabarilin ng ‘di nakilalang salarin.

Nang masiguro ng suspek na patay na ang biktima, mabilis siyang tumakas bitbit ang armas na ginamit sa pamamaril.

vuukle comment

DEAD

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with