^

Probinsiya

3 college professor tepok sa salpok ng jeep

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 college professor tepok sa salpok ng jeep
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Salvo Ocampo Salvacion, 30, instructor 1; Rosie Campus Dulay, 62, Assistant Professor IV; at si Cheryl Baracael Bundalian, 27, instructor 1.
Graphic by Philstar/John Villamayor

TIAONG, Quezon, Philippines — Patay ang tatlong professor ng Southern Luzon State University-Tiaong Campus makaraang mabangga ng isang jeepney topdown habang tumatawid sa kahabaan ng Mahar­lika Highway, Brgy. Lagalag, sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Salvo Ocampo Salvacion, 30, instructor 1; Rosie Campus Dulay, 62, Assistant Professor IV; at si Cheryl Baracael Bundalian, 27, instructor 1.

Sa imbestigasyon ng Tiaong Police, alas-7:00 ng gabi ay binabagtas ng jeepney topdown na minamaneho ni Zaldy Patulot Mosquera, 63, ang nasabing kalsada nang mabangga nito ang mga tumatawid na mga biktima.

Mabilis na isinugod sa Peter Paul Medical Hospital si Salvacion at Bundalian habang dinala naman sa Candelaria United Doctor’s Hospital si Dulay dahil sa tinamong mga kapinsalaan sa kanilang mga ulo at katawan.

Sa kasamaang pa­lad ay idineklarang patay si Bundalian, alas-8:40 ng gabi habang bi­nawian din ng buhay si Dulay, alas-9:15 ng gabi. Kahapon naman ng umaga, pumanaw na rin si Salvacion.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng otoridad ang driver ng nakabanggang jeep habang nagpapatuloy ang isinasagawang mga im­bestigasyon. Ed Amoroso

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with