^

Probinsiya

Pulis-Crame humagis sa motor, kamay at paa naputol

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Crame humagis sa motor, kamay at paa naputol
Ang pulis-Crame na si Corporal Christopher James Sabanal Gutierez makaraang sumalpok sa poste at maputol ang kamay at paa habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Lancaster Road, Gen. Trias City, Cavite.
Cristina Timbang

CAVITE , Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang aktibong pulis makaraang humagis sa minamanehong motorsiklo at hati ang kanyang kamay at paa sa Gen. Trias City, kamakalawa ng hapon.

Tumilapon ang kaliwang paa ng biktima at putol din ang kamay nito na nakilalang si Police Corporal Christopher James Sabanal Gutierez, residente ng Caloocan City at nakatalaga sa PNP-Cybercrime Group sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2 ng hapon habang bumabagtas si Cpl. Gutierez sakay ng kaniyang itim na Yamaha Nmax sa kahabaan ng secondary road ng Lancaster, Brgy. Navarro ng nasabing lungsod nang biglang magloko diumano ang sasakyan dahilan upang magpaekis-ekis ito at tumi­lapon ang biktima sa isang poste sa gilid ng kalsada.

May posibilidad na sa sobrang bilis umano ng patakbo ng biktima ay hindi na niya nakayanan ang mag-menor nang mapadaan sa pakurbang kalsada kung kaya tumilapon at humataw siya sa konkretong poste.

Sa lakas ng impact, naputol ang paa at kamay ng biktima na naitakbo pa sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival na.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with