^

Probinsiya

2 naglilinis ng septic tank, patay sa lunod

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 naglilinis ng septic tank, patay sa lunod
Hindi na naisalba pa ang buhay ng mga biktimang sina Juluis Bitoon, 40-anyos, may asawa, at Jhon Mar Avellada Agaton, 31-anyos, driver; kapwa residente ng Park Lane Subdivision, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.
File photo

Cavite , Philippines — Dalawang trabahador ang patay matapos nilang hindi nakayanan ang matinding amoy dahilan upang ma suffocate ang dalawang trabahador ng Sepo­ning at tuluyang nalunod ang mga ito sa nililinis na Septic Tank ng isang Restaurant sa lungsod ng Tagaytay sa Brgy. Silang Crossing West Tagaytay City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng mga biktimang sina Juluis Bitoon, 40-anyos, may asawa, at Jhon Mar Avellada Agaton, 31-anyos, driver; kapwa residente ng Park Lane Subdivision, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Sa imbestigasyon ng Tagaytay Police, alas-12:00 ng madaling araw habang naglililnis ng septic tank ang dalawang biktima sa Balay Dako Restaurant sa Brgy. Silang Crossing West, Tagaytay City nang hinihinalang ma-suffocate sa loob nito.

Ayon kay P/Sergeant Wilfredo Barican ng Sector 3 Tagaytay Police , nakatanggap sila ng tawag mula sa nasabing restaurant hinggil sa di umano’y insidente ng pagkalunod sa kanilang septic tank.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, unang bumaba si Bitoon sa septic tank subalit minuto pa lamang umano ay humingi na siya ng tulong hinggil sa hindi na makahinga.

Agad namang tinulu­ngan ng kasamahan na si Agaton subalit maging siya ay na-suffocate at tuluyang nahulog sa septic tank at nalunod.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with