^

Probinsiya

P13 milyong marijuana winasak sa Kalinga

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TABUK CITY, Kalinga , Philippines — Muling umiskor ang mga awtoridad matapos madiskubre ang tinatayang nasa P13 milyong halaga ng marijuana mula sa dalawang plantasyon sa nasasakupan ng Buscalan, Tinglayan sa lalawigang ito, ayon sa ulat kamakalawa.

Ayon sa report ng pulisya, agad na nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na operatiba ng Police Regional Office Cordillera, Tinglayan Municipal Police Station, PNP SAF at Kalinga Police Provincial Office matapos makumpirma ang lokasyon ng dalawang plantasyon. Umabot sa 65,000 na piraso ng mga fully grown marijuana ang binunot at agad ding winasak ng mga awtoridad.

Nabigo namang mahuli ang mga nagtanim o nag-aalaga sa mga iligal na tanim.

Ang matagumpay na operasyon ng mga awtoridad ay bahagi ng mas pinalakas na Oplan Mr. Clean Alpha para masugpo ang iligal na pagtatanim ng mga droga sa mga nasasakupan ng Cordillera.

vuukle comment

DRUGS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with