^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa nursing student, nasakote

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpatay sa nursing student, nasakote
Kinilala ng Santiago-PNP ang nahuling suspek na si Jeffrey Addam Barga, residente sa lungsod na ito at dating nakulong dahil sa kasong pagnanakaw.
File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad kamakalawa ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 19-an­yos na nursing student na ang bangkay ay natagpuan noong Linggo sa bakanteng lote sa bahagi ng Palac road, Barangay Buenavista sa Santiago City, Isabela.

Kinilala ng Santiago-PNP ang nahuling suspek na si Jeffrey Addam Barga, residente sa lungsod na ito at dating nakulong dahil sa kasong pagnanakaw.

Si Barga ang itinutu­rong pangunahing suspek na nagmaneho sa tricycle (body number na 3524) na sinakyan, noong Linggo ng madaling araw, ng biktimang si Lyziel Joy Abogade, residente ng San Mateo, Isabela.

Unang nakumpirma ng pulisya ang sidecar ng motorsiklo matapos matunton sa isang junkshop habang ang motorsiklo ay nakitang nakaparada sa bahagi ng Barangay Mabini sa lungsod na ito Miyerkules ng umaga.

Agad na ginalugad ng mga otoridad ang lugar kung saan nagsimulang tugisin ang suspek mula sa Sapang Palay ng Barangay Mabini hanggang sa makorner ito sa maisan na bahagi ng Barangay Malvar pasado alas-2:00 ng hapon kamakalawa.

Dinakma si Barga matapos makita mismo ni PCol. Tirso Cruz Manoli, City Director ng Santiago City Police Office, na nagtatago at tinakpan ang katawan ng mga dahon sa puno ng mga kawayan.

Matatandaan, alas-4:00 ng madaling araw noong Linggo nang magpaalam ang biktima sa kanyang tinutuluyan para magsamba na kanyang nakasanayan.

Kasabay nito ay nagpaalam din sa kanyang pamilya at nagpadala pa ng larawan ng sinak­yang tricycle, na nagbigay ng malaking tulong sa im­bestigasyon ng mga otoridad.

Pasado alas-2:00 ng hapon sa parehong araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima kung saan kapwa nakagapos ang mga kamay at paa habang ang kanyang ulo ay itinali sa isang puno.

Napag-alaman na Sa­bado ng gabi nang nakawin umano ng suspek ang ginamit na tricycle.

vuukle comment

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with