^

Probinsiya

Dalaga, sinaksak ng tinidor ng lalaking klasmeyt!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

Habang nag-uusap sa reklamong cyber bullying

CAVITE, Philippines — Bumulwak ng dugo sa mukha ng isang dalagang estudyante makaraang saksakin ng kaklaseng lalaki habang nag-uusap ang kanilang mga magulang upang maayos sana ang isyu ng “cyber bullying” sa pagitan ng dalawa, na naganap sa loob ng isang kilalang fast food chain sa Brgy. Magdiwang, Noveleta ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang inoobserbahan sa St. Martins Hospital ang biktima na kinilalang si Chelsy Honeylade, 21-anyos,  at residente ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite.

Nakakulong naman at nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek na nakilalang si John Roy Virata, 21-anyos, ng T. Gomez Street, Caridad, Cavite City.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Armine Matro, may hawak ng kaso, nakatang­gap sila ng tawag mula sa security guard ng  isang kilalang fast food chain sa Brgy. Mag­di­wang hinggil sa uma­no’y may naganap na saksakan dito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, alas-5 ng hapon, nasa loob ng fast food chain ang biktima at suspek kasama ang kani-kanilang mga magulang hinggil sa pinag-uusapan ang naganap na pambu-bully sa pagitan ng kanilang mga anak.

Gayunman, nagulat na lamang sila nang big­lang sinaksak ni Virata sa mukha ang babaeng kaklase ng hawak nitong tinidor.

Dito agad na bumulwak ang dugo sa mukha ng dalagita at agad na itinakbo sa St. Martins Hospital at kasaluku­yang inoobserbahan.

Inaresto naman ang suspek at dinala sa pulisya, napag-alaman na matinding pambu-bully ang namagitan sa mag-kaklase.

vuukle comment

CHELSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with