^

Probinsiya

Mag-utol na senglot sumalpok sa poste, 1 patay

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

HERMOSA, Bataan, Philippines — Nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluyang sumalpok sa poste ng ilaw ang motorsiklong sinasakyan ng mag-utol na umano’y lasing na ikinasawi ng isa habang malubhang nasugatan ang kapatid na angkas kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Mabiga ng bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Tubongbanua, 25 anyos, binata habang ang sugatang kapatid na kanyang angkas ay si Leo Tubongbanua; kapwa residente ng Brgy. Pinulot Dinalupihan Bataan.

Sa salaysay ng saksing si “Warren” sa pulisya, pasado alas-3 ng madaling araw nang makita nitong lulan ang dalawa ng motorsiklo patungong Brgy. Naparing nang nawalan sila ng kontrol at bumangga sa poste.

Nasa impluwensiya umano ng alak ang dalawa nang maaksidente at wala ring suot na helmet dahilan upang magtamo ng matinding pinsala ang mismong driver na si Jomar habang sugatan ang nakababatang kapatid

Dinala pa sa JC Payumo Hospital sa Dinalupihan si Jomar subalit idineklarang dead-on-arrival na ng mga doktor.

vuukle comment

POSTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with