^

Probinsiya

Resbak ng BIFF: Sundalo todas, 2 sugatan

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines — Isang sundalo ang nasawi habang dalawa ang nasugatan kabilang ang isang sibilyan matapos tambangan at pagbabarilin ng mga mi­yembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kamakalawa sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Private First Class (PFC) Jorey Abibas habang sugatan sina PFC Jonathan Nacion, pawang kasapi ng 23rd Mechanized Company ng Philippine Army at isang sibilyan na si Asidza Bayao na tinamaan ng ligaw na bala sa kamay.

Ayon kay 601st Brigade Commander Brigadier General Oriel Pangcog, alas-9:00 ng umaga nang maganap ang engkwentro sa Barangay Libutan, Mamasapano, Maguindanao Del Sur.

Nagpapatrolya ang grupo nina Abibas sa nasabing lugar nang bigla na lamang silang pagbabarilin gamit ang M16 rifle ng mga mi­yembro ng BIFF na pi­namumunuan ng isang Kumander Tong Aban Amang.

Nakaganti naman ng putok ang mga sundalo, subalit mabilis na humarurot ang mga suspek sakay ng mini-van patakas.

Agad namang dinala sa ospital ang tatlo, subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Abibas sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Sinabi naman ni Maguindanao Police Provincial Director Co­lonel Roel Sermese, na posibleng paghihiganti ang ginawa ng teroristang grupo dahil sa pagkamatay ni Kumander Boy Jacket sa Tacurong City sa naganap na eng­kwentro ng tropa ng pamahalaan.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with