^

Probinsiya

1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Cotabato City, Philippines — Isa ang patay habang isa pa ang sugatan sa pananambang ng mga armadong kalalakihan dito sa lungsod, madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Major Amil Andungan ng Cotabato City Police Precinct 2, magkaangkas sa motorsiklo ang nasawi na si Abdulazis Butukan at ang sugatang si Not Tayuan nang pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa isang bahagi ng kalye sa Brgy. Rosary Heights 4 na sakop ng kanilang presinto.

Inaalam pa ng mga imbestigador na pinamumunuan ni Andu­ngan kung sino ang mga sa­larin at kung ano ang kanilang motibo sa pag-ambush kina Butukan, 28-anyos, at kasamang 19-anyos na si Tayuan na ngayon ay nasa isang pagamutan.

Ayon kay Andu­ngan, nakatanggap sila ng mga impormasyon mula sa mga kakilala ng mga biktima na may mga gawaing illegal ang dalawa at parehong may mga kagalit na kapwa Moro sa kanilang inuuwiang barangay.

Walang plaka ang motorsiklong ginamit ng dalawa. 

 

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with