^

Probinsiya

Pre-wedding naging madugo:16-anyos na bisita, tinodas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PIO V. CORPUZ, Masbate, Philippines — Nabulabog ang kasayahan sa ginagawang pre-wedding celebration matapos na isang 16-anyos na binatilyo ang biglang inundayan ng saksak sa Brgy. Tubog, ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nasawi sa isang malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima na kinilalang si John Rey Lihaylihay Porio, isang out-of-school youth at residente ng naturang lugar.

Tinutugis naman ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang suspek na agad tumakas makaraan ang pananaksak sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi habang nakikipagsaya ang biktima sa selebrasyon ng pre-wedding ng ka-barangay nang lapitan ng hindi nakilalang suspek na armado ng patalim.

Sa hindi pa malamang motibo ay bigla na lang sinaksak sa kanyang dibdib ang biktima na duguang humandusay.

vuukle comment

DEAD

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with