Rebeldeng NPA sumuko sa Zambales
IBA, Zambales, Philippines — Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang umano’y isang dating miyembro ng communist group na nag-ooperate sa lalawigang ito.
Sa inilabas na pahayag ng Police Regional Office 3 (PRO3), tinukoy lang ang sumukong rebelde sa alyas “Ka Jack,” kasapi ng Kilusang Larangan Guerilla West Zambales.
Kasama sa mga isinuko ni Ka Jack ang kanyang 38-caliber, mga bala at granada.
Samantala, nanawagan naman si PRO3 Director Brigadier General Cesar Pasiwen sa mga natitirang komunistang rebelde na sumuko na rin at pumanig na sa gobyerno upang makamit ang kapayapaan at kaayusan na hinahangad ng bawat Pilipino.
- Latest