^

Probinsiya

Mister tsinap-chop, katawan itinapon sa dam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mister tsinap-chop, katawan itinapon sa dam
Kinilala ang biktima na si Bonifacio Ontoy, 52, magsasaka, residente ng Brgy. Towak, Matanao ng lalawigan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang tsinap-chop na katawan ng isang lalaki ang natagpuan sa isang dam sa ba­yan ng Matanao, Da­vao del Sur nitong Mi­yer­kules.

Kinilala ang biktima na si Bonifacio Ontoy, 52, magsasaka, residente ng Brgy. Towak, Matanao ng lalawigan.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 11, alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ng mga residente sa lugar ang tsinap-chop na katawan ni Ontoy sa Algon Dam sa Brgy. Saub na kanugnog ng Brgy. Towak; pawang ng nasabing bayan.

Sa pahayag ng mga kaibigan ni Ontoy ang biktima ay huling nakitang buhay nitong Martes ng gabi habang may binibili sa tindahan.

Ang biktima ay tumagay pa umano sa isang inuman sa lugar at tahimik na lumisan na iniwan sa tindahan ang kaniyang motorsiklo.

Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kaso upang matukoy ang motibo ng krimen at masakote ang mga suspect.

Sa teorya ng mga otoridad,matinding galit ang nagtulak sa salarin na posibleng isa hanggang dalawa katao dahilan hindi pa nakuntento matapos na paslangin ay tsinap-chop pa ang bangkay ng mister saka itinapon sa dam.

Kasalukuyan na ring nakikipag-ug­nayan ang mga oto­ridad sa pamilya ng biktima upang ma­ka­tulong sa imbestigasyon at malutas ang krimen sa lalong madaling pa­nahon.

vuukle comment

BONIFACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with