^

Probinsiya

67-anyos ginulpi ng kapitbahay dahil sa basura

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 67-anyos na lola ang kasaluku­yang inoobserbahan sa pagamutan matapos pagsasapakin ng nakaalitang kapitbahay ng dahil sa basura, ka­makalawa ng hapon sa Barangay Zapote 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga sugat at pasa sa mukha at ulo na si Leticia Fornelos residente ng Pasilio Rosas, Brgy. Zapote 1 Bacoor City.

Nahaharap naman sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Orlando Lontoc, 42, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, ala-1:00 ng hapon ay nasa labas ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at walang kaabug-abog na itong pinagsasapak sa mukha.

Naawat lamang ang pananapak sa biktima nang sumaklolo ang ilang kapitbahay at ina­wat ang suspek.

Napag-alaman na bago ang insidente  ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa ng dahil sa away-basura.

Agad ding naaresto ang suspek ng mga barangay opisyal bago dinala sa presinto.

vuukle comment

BASURA

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with