^

Probinsiya

Mag-utol na ‘tulak’ pumalag sa aresto, 1 patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PARACALE, Camarines Norte, Philippines — Isang lalaki ang bumulagta habang nakatakas ang kapatid nito na target sa operas­yon matapos na pumalag ang dalawa sa inilatag na warrant operation ng pulisya sa Purok-3, Brgy. Dagang ng bayang ito kamakalawa ng mada­ling araw.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang suspek na si Reynaldo Mago Villan, nasa hustong gulang, habang patuloy na tinutugis ang kapatid nito na si Adolfo, 42-anyos, binata, pawang residente ng Purok-3, Brgy.Dagang, Paracale, Camarines Norte.

Sa ulat, dakong alas-5 ng madaling araw sa bisa ng tatlong warrant of arrests na inilabas ng korte dahil sa mga kaso ng illegal possession of firearm, illegal possession of explosives at robbery ay mabilis na sinalakay ng mga tauhan mula sa 2nd Provincial Mobile Force Company, Regional Special Operations Unit ng Regional Intelligence and Investigation Division at Paracale Police ang bahay ng suspek.

Gayunman, habang isinisilbi ng mga pulis ang arrest warrants kay Adolfo ay pinutukan umano sila ni Reynaldo dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis at duguang tumimbuwang ito.

Habang nagpuputukan, sinamantala naman ni Adolfo na siyang target ng operasyon na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.

Sinubukan pang isugod ang walang malay na si Reynaldo sa Talobatib District Hospital pero hindi na umabot nang buhay. Nabawi sa kanya ang hindi malamang kalibre ng baril at mga bala.

vuukle comment

PARACALE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with