^

Probinsiya

Misis sumaklolo kay mister, tinodas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang habang nasa kritikal na kondisyon ang mister nito nang pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek sa harap ng kanilang bahay  kamakalawa ng gabi sa bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Dead-on-arrival sa Delos Reyes Hospital si Gina  Pasumbal  habang ginagamot sa ospital sa Calapan City ang mister nitong si Ramelo.

Ayon sa Pinamalayan Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente dakong alas 6:20 ng gabi sa harapan ng bahay ng mga biktima sa  Sitio Sta Ana, Barangay Cacawan ng nasabing bayan.

Napag-alaman na nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Ramelo nang lapitan ng hindi kilalang lalaki at inundayan ng saksak. Nakita ito ng kanyang asawang si Gina na napasigaw kaya ito naman ang pinagbalingan ng suspek at pinagsasaksak din.

Tinangay pa ng suspek ang wallet ni Ramelo bago ito tumakas palayo ng lugar. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pinamalayan Police para makilala at madakip ang suspek.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with