^

Probinsiya

Aso ng kapitbahay sinaway, kelot pinatay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang la­laki nang pagbabarilin ng kanyang kapitbahay na may-ari ng aso na kanyang pinagbabato noong Sabado ng gabi sa Bataraza, Palawan.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Belmorie Bonete Ubogan, 26, residente ng Brgy. Culandanum, Bataraza Palawan.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek na si William Marquelencia Suprecencia, 63, kapitbahay ng  biktima.

Batay sa imbestigasyon ni Major Dhenes Acosta ng Bataraza Municipal Police Station, nakauwi na galing sa inuman ang biktima nang mainis sa tahol ng aso ng kapitbahay.

Dahil dito, lumabas ng bahay ang biktima saka sinaway at pinagbabato ang aso ng matandang suspek.

Nalaman ito ng sus­pek kaya agad na ki­nuha ang kanyang 12 gauge shotgun at pinaputukan ang biktima.

Nang makitang duguan ang biktima ay agad na tumakas ang suspek at kalauna’y sumuko rin sa chairman ng Brgy. Culandanum.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek. 

vuukle comment

ACOSTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with