^

Probinsiya

1,052 pamilya apektado, P14.6 milyong crops nasira sa flash floods sa Ifugao

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
1,052 pamilya apektado, P14.6 milyong crops nasira sa flash floods sa Ifugao
Authorities from the 2nd Ifugao Province Mobile Force Company (PMFC) conduct clearing operations on Friday, after a series of landslides and flash floods hit parts of Banaue, Ifugao. “Please be advised to be vigilant to possible landslides and other accidents that can be caused by this inclement weather,” they wrote in an advisory on Facebook.
Facebook/Dos Ifugao PMFC

LAGAWE, Ifugao, Philippines — Umakyat na sa 1,052 na pamilya ang apektado sa nangyaring pagragasa ng landslide at mudslides sa bayan ng Banaue sa lalawigang ito, ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) kahapon.

Sinabi ni Aguinaya Cabanayan, hepe ng Banaue-MSWDO, ang mga apektadong pamilya ay mula sa 9 na barangay ng Banaue na matinding sinalanta ng pagbaha at landslide nitong Huwebes na ikinasugat din ng tatlo katao.

Nasa 1,044 na kabahayan ang partially damaged habang tatlo ang totally damaged matapos daanan ng rumaragasang tubig na may kasamang mga putik at bato.

Nagbibigay na ng tulong ang DSWD sa mga apektadong pamilya. Nasa 500 food packs ang kanilang naipamahagi na nagkakahalaga sa P339,375, at  sinundan ng karagdagang 1,000 food packs.

Samantala, iniulat ng Department of Agriculture (DA) kahapon na umaabot na sa mahigit P14.6 milyon ang halaga ng mga pinsala at nalugi sa industriya ng agrikultura sa Ifugao bunsod ng malawakang pagbaha.

Ayon sa DA, nasa 684 magsasaka at 198 hektarya ng agricultural areas ang naapektuhan ng mga pagbaha na dulot ng southwest monsoon o habagat, na tinatayang aabot sa 728 metrikong toneladang pagkalugi sa produksiyon sa palay at iba pang high-value crops, gaya ng iba’t ibang uri ng mga gulay.

Nasira rin ng rumaragasang tubig at mga putik ang pamosong Banaue rice terraces.

Tiniyak ng DA na pagkakalooban nila ng tulong ang mga apektadong magsasaka at mangingisda, kabilang na ang pagbibigay ng mga binhi ng palay, mais at iba’t ibang gulay, gayundin ng gamot para sa livestock at poultry.

Available na rin anila ang pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PHIC) upang bigyan ng kumpensasyon ang mga magsasaka, habang naglaan na rin ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.  — Mer Layson, Artemio A. Dumlao

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with