^

Probinsiya

14 dayuhan, 2 crew ng yate nagpositibo sa COVID-19

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
14 dayuhan, 2 crew ng yate nagpositibo sa COVID-19
Ayon kay Dr. Dean Palanca, city government incident management team head, kahapon ay lima sa mga turista ang nagpakita ng mga sintomas ng COVID-19 habang sakay ng barko.
Walter Bollozos, file

Bumisita sa Tubbataha Reef sa Palawan

MANILA, Philippines — Labing-apat na dayuhang turista at dalawang local na crewmembers ng isang yate ang nagpositobo sa COVID-19 matapos bumisita sa Tubbataha Reef sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon kay Dr. Dean Palanca, city government incident management team head, kahapon ay lima sa mga turista ang nagpakita ng mga sintomas ng COVID-19 habang sakay ng barko.

Ang lima ay sumailalim aniya sa antigen tes­ting kung saan lumabas na positibo sila sa CO­VID-19.

“Sila ay napilitang bumalik dito sa Puerto Princesa at tumawag at nagpatulong papaano i-handle itong mga nagpositibo sa antigen test,” ani Palanca sa isang panayam sa Teleradyo.

Nabatid na ang mga dayuhang turista na nagmula sa United States at Europe, ay umalis sa Puerto Princesa City upang mamasyal sa Tubbataha Reef noong Mayo 14.

Ang mga dayuhan at dalawang crew ng yacht ay isinailalim rin sa reverse
transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing para sa kumpirmasyon at lumabas na lahat sila ay positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Palanca na ang naturang mga pasyente ay nagpapagaling na sa quarantine facility sa lungsod.

“Tatapusin nila ‘yung ilang araw na protocol na ginagawa para sa mga nagpopositibo,” dagdag ni Palanca.

Ipapadala rin umano ng city government ang swab samples sa Phi­lippine Genome Center para sa eksaminasyon upang madetermina ang COVID-19 variant na tumama sa mga turista at crew.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with