^

Probinsiya

9 preso pumuga sa Rizal jail

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
9 preso pumuga sa Rizal jail
Kinilala ng Binango­nan Police ang mga pumuga na sina Jefferson Santuyo, 40; Jason Francisco, 41; Edward Borja, 22, Jonel Prudenciado, 32; Noel Guilardo, 45; pawang nahaharap sa drug offenses, maliban kay Alex Anorico, 27, na may kasong “theft”. Sila ay pa­tuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
STAR/ File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Siyam­ na inmates na karamihan ay nahaharap sa kasong droga ang tu­makas mula sa kanilang custodial facility sa Binangonan Rizal nitong Sabado.

Kinilala ng Binango­nan Police ang mga pumuga na sina Jefferson Santuyo, 40; Jason Francisco, 41; Edward Borja, 22, Jonel Prudenciado, 32; Noel Guilardo, 45; pawang nahaharap sa drug offenses, maliban kay Alex Anorico, 27, na may kasong “theft”. Sila ay pa­tuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Samantala, ang preso na si While, Bryan Poras, 35; Joseph Picadizo, 22, at Rolly Anas, 38, na kasama sa 9 na inmates na tumakas ay agad na nadakip sa iki­nasang hot pursuit operation ng pulisya sa Binangonan at iba pang komunidad.

Sa ulat, ang jail break ay naganap sa male custodial facility bandang alas-4 ng mada­ling-araw noong Sa­bado. Nakarinig umano­ si Patrolman Carl Tab­lante ng komosyon mula sa male custodial at isa sa mga preso ang su­migaw ng -- “Sir may tumatakas.”

Lumalabas sa imbes­­tigasyon na binaklas ang metal grills mula sa concrete wall sa likod ng naturang piitan at umakyat sa bubong saka tumakas ang 9 na preso patungong Ma­nila East Road sa Barangay Calumpang, Bina­ngonan.

Dahil dito, mabilis na tinugis ng pulisya ang mga tumatakas kaya muling nadakip ang tatlo.

Bumuo na ang pu­lisya ng tracker team na siyang maghahanap sa anim pang pugante.

vuukle comment

THEFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with