^

Probinsiya

2 patay, 787 naospital sa dengue sa Cagayan Valley

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 787 naospital sa dengue sa Cagayan Valley
Ayon sa ulat ng DOH, ang 787 na bilang ng mga tinamaan ng dengue sa rehiyon ay mas mataas kumpara sa 492 na kaso na naitala noong 2021 simula sa kaparehong buwan ng Enero hanggang Abril.
STAR / File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang katao ang iniulat na nasawi habang umabot na sa 787 ang naitalang kaso ng dengue sa buong Cagayan Valley (Region 2), ayon sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon. 

Ayon sa ulat ng DOH, ang 787 na bilang ng mga tinamaan ng dengue sa rehiyon ay mas mataas kumpara sa 492 na kaso na naitala noong 2021 simula sa kaparehong buwan ng Enero hanggang Abril.

Batay sa datos ng DOH, pinakamarami ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Isabela na umabot na sa 533, sinundan ng Cagayan na may 263 kaso; Nueva Vizcaya-103; Quirino- 46 at Batanes na may dalawang kaso.

Ang dalawang nasawi ay naitala sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.

Lumalabas na 34% sa kabuuang kaso ay mga bata na nasa edad 1-12.

Tinataya na ang maaga at tuluy-tuloy na pag-ulan sa rehiyon simula pa noong buwan ng Enero ang dahilan ng maagang pagtaas ng kaso ng dengue.

Dahil dito, pinayuhan ng DOH ang mga residente na magsagawa ng paglilinis sa mga bakuran at ipatupad ang  4S (Search and destroy, Seek early consultation, Self-protection, at Support fogging) upang maiwasan na dumami pa ang posibleng tamaan ng sakit.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with