^

Probinsiya

Pampasaherong bus binomba: 4 sugatan!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Pampasaherong bus binomba: 4 sugatan!
Tulung-tulong ang mga pulis at emergency ­responders mula sa local government unit sa pagsagip sa apat na pasahero na sugatan matapos sumabog ang bomba na itinanim sa loob ng isang pampasaherong bus sa Brgy Making, Parang, Ma­guindanao kahapon ng umaga.
John unson

PARANG, Maguin­danao, Philippines — Apat katao kabilang ang isang menor-de-edad ang sugatan matapos sumabog ang bomba na itinanim ng ‘di kilalang suspek sa loob ng isang pampasaherong bus habang bumabagtas sa Barangay Making, dito, kahapon ng umaga. 

Kinilala ng Parang Police ang mga biktima na sina Feycel Panario Culanag, 40; Expedito Bucay, 45; Benjamin Macacua Wahab, 32, at ang 17-anyos na si John Paul Capuo na pawang ginagamot na sa ospital.

Ayon kay Col. Jibin Bongcayao, Maguinda­nao Provincial Police director, ang pinasabog na bus ay pag-aari ng Rural Tours Bus Company na nag-o-operate sa rutang Dipolog-Pagadian-Cotabato-General Santos.

Sinabi ni Bongcayao na inaalam na ng mga police probers sa pa­ngunguna ni Lt. Col. Joseph Macatangay ang uri ng bomba na ginamit sa pag-atake sa bus. May naglagay aniya ng eksplosibo sa ilalim ng upuan ng bus.

Sumambulat umano ang bomba habang nagmamaniobra ang driver sa stretch ng Cotabato-Pagadian Highway sa Barangay Making.

Sa inisyal na teorya ng pulisya, ang bomba na iniwan sa bus ay binuo na may blasting contraption na maaaring pasabugin mula sa distansya gamit ang isang mobile phone.

Kumbinsido naman ang mga lokal na opis­yales at intelligence officials ng Philippine Army na ang “extortion activities” ng mga terorista o rebelde ang nasa likod ng pag-atake, upang mapuwersa ang may-ari ng bus company na magbigay ng “protection money”.

vuukle comment

BOMB

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with