^

Probinsiya

Online forum sa tunay na nangyari sa martial law, idinaos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng online forum ang advocacy group na “Democracy Watch Philippines” upang igiit na nagkaroon ng mga pang-aabuso at pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag sa kasagsagan ng batas militar noong 1972 taliwas sa naglalabasang “fake news” ngayon na ugat ng mga bangayan at diskusyon ng mga netizens sa social media.

Sa ginanap na forum na “Curbing the Pandemic of Disinformation: What Really Happened During Martial Law” nitong Huwebes, ibinahagi ng iba’t ibang eksperto ang kanilang mga personal na karanasan sa isang madilim na yugto ng ating kasaysayan at sinabing ang mga kasamaan na ito ay muling lumitaw sa “ibang anyo” makalipas ang kalahating siglo, sa pamamagitan ng mga “pekeng balita”.

“Walang katotohanan ang sinasabing walang ginawang pag-aresto, at walang napatay, at walang umaabuso sa kapangyarihan sa panahong ito,” sabi ni Diwa Guinigundo, dating deputy governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Binanggit ni Guinigundo ang bilang ng Amnesty International na mayroong 72,000 inaresto, 34,000 pinahirapan, at 3,000 ang napatay.

“Kahit ako ay inaresto,” sabi niya. Aniya, inangkin ng naghaharing pamilya ang pagmamay-ari ng mga utility at manufacturing conglomerates.

Mariing itinanggi ni Guinigundo na ang mga taon ng diktadurang militar ay ang mga “ginintuang taon” ng kasaysayan ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Judge Raul Pangalangan, dating dean ng UP College of Law at dating judge ng International Criminal Court na may espesyal na lugar sa kasaysayan ang mga first-hand account ng mga nabuhay sa martial law experience.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with