^

Probinsiya

Seller ng aso huli sa Bulacan, 13 ‘aspin’ nasagip ng CIDG

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN ILDEFONSO, Bulacan, Philippines — Arestado ang 46-anyos na lalaking vendor matapos magbenta ng asong pinoy o “aspin” sa entrapment o rescue operation ng mga otoridad sa Brgy. Sapang Putik ng nasabing bayan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Ariston Borga, residente ng Purok 4 ng nasabing barangay.

Sa inisyal na report, ikinasa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan PFU kasama ang San Ildefonso police at Animal Kingdom Foundation dakong alas-3:40 ng hapon sa lugar ng suspek.

Ayon sa impormasyon, nag-ugat ang operasyon matapos isumbong ng Animal Kingdom Foundation sa CIDG ang ilegal na kalakalan ng karne ng aso na umano’y kinasasangkutan ng suspek.

Dahil dito, nagkasa ng entrapment/rescue ope­ration ang mga awtoridad hanggang sa makabili ng aspin sa suspek kaya agad itong inaresto.

Sinasabing ibinibenta ng suspek ang mga aspin sa kanyang mga suki para karnehin, lutuin at gawing pulutan ng kanilang parokyano sa iba’t ibang lugar sa Bulacan at NCR.

Napag-alaman na lutong adobo, kaldereta, sinigang, papaitan at kilawin na aso ang mga pangunahing putahe o ulam at pulutan ng mga parokyano nito.

Nakumpiska sa lugar ang weighing scale, catching poll (panilo), marked money, habang nasa 13 aspin ang nasagip sa operasyon at nasa kostudiya na ng Animal Kingdom Foundation.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with