^

Probinsiya

Pulis inutas ang misis at anak saka nagbaril

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Pulis inutas ang misis at anak saka nagbaril
Ang masayang larawan ni Patrolman Jaymart Malasa at kanyang mag-ina bago ang kalunus-lunos na krimen na kanilang ikinasawing tatlo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kahindik-hindik na kamatayan ang sinapit ng isang ginang at kanyang 3-anyos na anak matapos barilin ng sariling mister na pulis matapos ang kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Hawan Ilaya, Virac Catanduanes kahapon ng madaling araw.

Kapwa tigmak ng dugo at patay na nang datnan sa kanilang bahay ng mga rumespondeng pulis ang mag-asawang sina Patrolman Jaymart Sarmiento Malasa, 25-taong gulang, kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Ca­tanduanes Police Provincial Office at Joy Villegas Malasa, 28-anyos.

Ang anak na lalaki ng mag-asawang Malasa na si Maray ay duguan at may malay pang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.

Ayon sa Virac Municipal Police, isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen tungkol sa insidente ng pamama­ril sa naturang lugar. Agad silang rumesponde kasama ang MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction and Risk Ma­nagement Office) ng Virac kung saan inabutan ng grupo ang mag-asawa na nakabulagta habang naliligo sa sariling dugo.

Sa imbestigasyon, dakong ala-1:07 ng mada­ling araw ay umuwing ­lasing umano si Pat. Malasa sa kanilang tahanan at sinita ang misis sanhi ng mainitan nilang pakikipagtalo. Ipinalalagay na posibleng selos ang dahilan ng away ng mag-asawa.

Sa init ng pagtatalo, tila nawala sa katinuan ang pulis hanggang sa bumunot ng baril at pinutukan sa ulo ang kanyang nakatalikod na asawa na tumagos ang bala at tumama sa kargang anak.

Nang makitang wala nang buhay ang misis at duguan ang kanilang anak ay nagbaril sa sarili ang pulis gamit ang kanyang service firearm na agaran nitong ikinasawi.

Nakuha sa crime scene ang kalibre 9mm na baril ng nasabing bagitong pulis at dalawang basyo ng bala.

vuukle comment

MDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with