^

Probinsiya

Babaeng kawatan tumangay ng P2 milyong sa negosyante

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DAET, Camarines Norte, Philippines — Umaabot sa halagang P2-milyong cash at mga alahas ang natangay ng isang babaeng kawatan matapos na pa­sukin ang bahay ng isang negos­yante sa Brgy. Lag-on ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Tinutugis na ng mga pulis ang suspek na nakilala dahil sa cctv camera na si Verginia Billete Bolocon, 45-anyos, may asawa, residente ng Brgy. Lalawigan, Mercedes.

Sa imbestigasyon ng Daet Police, dakong alas-5 ng hapon ay puwersahang pinasok umano ni Bolocon ang bahay ng negosyanteng si Janet Cama Nael, 43-anyos sa nasabing lugar.

Sinira ng babaeng suspek ang lock sa likurang pintuan ng bahay at nang makapasok ay mabilis nitong kinulimbat ang pera na aabot sa P1.5 milyon at mga alahas na nagkakahalaga ng P500,000.

Nadiskubre ng biktima ang ginawang pagnanakaw nang umuwi siya sa kanyang tahanan dakong alas-8 ng gabi.

Nakita ng biktima ang aktuwal na pagnanakaw ng suspek dahil sa mga kuha ng CCTV camera sa bahay ng una.

vuukle comment

KAWATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with