^

Probinsiya

C130 Hercules plane nag-landing sa Sulu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na nakapag-landing ang isang Lockheed C130 airplane ng Philippine Air Force (PAF) sa Jolo airport nitong Biyernes, ayon sa opisyal kahapon.

 Ito’y matapos naman ang malagim na trahedya sa aksidenteng pagbagsak ng isa ring C130 Hercules plane sa lalawigan ng Sulu na ikinasawi ng 50 sundalo at tatlong sibilyan noong Hulyo 4 ng taong ito.

 “The successful lan­ding of the aircraft today signifies that we are ready to move forward. We hope that this momentous event will totally heal us from the trauma we had due to the accident last July 4,” pahayag ni Major Gen. William Gonzales, Commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu.

Ayon naman kay Lt. Gen. Alfredo  Rosario Jr., commanding general ng AFP- Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), walang na­ging aberya at maayos na nakapag-landing nitong Biyernes ang Lockheed C130 Hercules plane na may tail number 5011 sa paliparan ng Jolo.

 Ang higanteng aircraft ay sinakyan ng kabuuang 65 military personnel patungong Metro Manila na nag-avail ng bakasyon para sa pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong Disyembre. Samantalang lumulan din sa nasabing eroplano ang tatlong dependents ng mga sundalo at dalawang sibilyan.

 Magugunita na noong Hulyo 4, 2021 ay bumagsak ang isang Hercules C130 cargo plane habang papa-landing na sana sa Jolo airport na ikinasawi ng 53 katao kabilang ang 50 sundalong isasabak sana sa opensiba laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group.  Ang pangyayari ay pinakamalagim na sakuna sa himpapawid sa kasaysayan ng bansa kung saan mahigit 40 rin ang naitalang nasugatan.

vuukle comment

PHILIPPINE AIR FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with