^

Probinsiya

Kotong cop arestado sa entrapment

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kotong cop arestado sa entrapment
Kinilala ang naaresto na si PCpl Daniel Pe­nuliar, nakatalaga sa Bayambang Police Station.
STAR/File

Motoristang walang vax card kinikilan

MANILA, Philippines — Inaresto ng PNP-In­tegrity Monitoring and En­forcement­ Group (PNP-IMEG) ang kanilang ka barong pulis na na­ngongotong umano sa mga motoristang walang maipakitang vaccination card sa isinagawang entrapment operation sa Bayambang, Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ang naaresto na si PCpl Daniel Pe­nuliar, nakatalaga sa Bayambang Police Station.

Ayon kay Brig. Gen Oliver Enmodias, director ng PNP-IMEG, alas-7:15 ng gabi nang isagawa ang entrapment operation sa police checkpoint sa Brgy. Pantol ng nasabing bayan.

Inaresto ng mga operatiba ang suspek nang tanggapin nito ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na moto­rista nang pahintuin at sitahin sa checkpoint sa axis road sa nasabing barangay.

Sinabi ni Enmodias na modus ng suspek ang sitahin ang mga motorista at hahanapan ng vaccination card at kapag walang maipakita ay kailangang magbigay o magbayad ng P500 bago payagang maka­biyahe o makadaan.

Narekober sa suspek ang isang PNP ID, Glock pistol na may 3 magazines, hand held radio at marked money na P500.

vuukle comment

KOTONG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with